Comments here!


Register to PBASITE

3.23.2009

PBA PoW si Burger King’s Santos


PBA PoW si Burger King’s Santos
Source: Journal.ph

Ang team-based system ay kadalasang pumipigil sa isang individual player na magpakitang-gilas. Subalit hindi lagi.
Lalo na kapag ang player na pinag-uusapan ay si Burger King’s do-it-all Arwind Santos, na itinanghal na Motolite/Accel-PBA Press Corps’ Player of the Week para sa period na March 16-22. Ang 6-foot-4 forward ay nagpasiklab sa da-lawang sunod na laro, kung saan tinulungan niya ang Whoppers na maitakas ang magkasunod na panalo na naghatid sa kanila sa isa sa mataas na puwesto sa Fiesta Conference leaderboard.
Si Santos ay tumipa ng average na 23 points, walong rebounds at 2.5 assists sa 123-110 at 127-109 blowout wins ng Burger King laban sa Barako Bull at Coca-Cola, ayon sa pagkakasunod.
Sa nasabing mga laro ay pinahanga niya mismo si coach Yeng Guiao, na ang gameplans ay hindi nakatuon sa isang player lamang dahil nais ni-yang hatiin ang playing time sa lahat ng nasa kanyang lineup. Naniniwala si Guiao na marami pang ilalabas ang 27-year-old Angeles City native.
“This is the best I’ve seen him play in the PBA, so his upside is enormous, even scary dahil nga-yon pa lang siya nagma-mature,” wika ni Guiao, na hindi nakalimutang kunin si Santos nang pumili ng mga miyembro para sa kanyang national pool.
“The only thing he really needs to improve on is his decision-making,” dagdag ng five-time champion coach, “but he has all the talent and skills to assert himself as one of the dominant PBA players in the years to come and I assure you this will not be his last Player of the Week award.”